By Adem Lewis / in , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , /


Good morning. Si Dok Willie ito. Ito si Dok Liza. Ginulat namin kayo. Meron tayong extra episode na Facebool Live. Kasi po ang dami-daming mga tanong na natanggap ko tungkol sa pinag-usapan natin Dok Liza, Itong sakit sa baga Yung mga ubo, asthma, pulmonya, hika, tuberculosis Nakatanggap kami ng more than 5000 comments, questions and greetings. Kailangan nating masagot. Kawawa naman yung mga kababayan natin. Ang karamihan naman kasi, Dok Liza, na mga tanong nila mga 80% ay tungkol sa gamutan. Ano daw ang gamot (para) sa ubo nila? Paulit-ulit daw yung ubo. Kung ano daw ang gamot sa hika? Hindi raw gumagaling. Ano daw ang gamot sa TB? Lalo na yung pulmonya, ang daming nagtanong. Kung ano daw ang gamot sa pulmonya? (Anong gamot ) sa bronchitis? So ngayon po magbibigay po kami ng mga tips Pero syempre itong mga tips natin Kailangan nyo munang magpa-check up sa doktor. Pag nakita na kayo ng doktor kahit isang beses, Siguro may xray na Mabibigay na kayo ng tamang gamutan. Pero itong payo natin syempre ini-eexplain ko sa inyo bawat sakit Ano yung gamot na ibinigay ng doktor sa inyo Para saan yung gamot? Ano ang epekto ng gamot? Ituturo natin. Ano rin yung side effect? Minsan kasi may side effect Kaya babantayan nyo kung meron kayo nitong side effect, I-aadjust yung gamot mo para tama yung gamutan ninyo At syempre dapat kumpleto yung paliwanag ng doktor O kung di naman nya makumpleto, kami na ang mag-kukumpleto ng paliwanag Papaano yung gamot? Para saan yung gamot? Okay, Dok Liza, quick break muna. Oo, so maraming salamat sa mga nag-tune in Binabati po namin ang professor namin, si Dr. Kenneth Hartigan-Go At si Rexie Castillo, sa lahat pong nag-share (Binabati ang mga tagasubaybay)… Maraming salamat po sa inyo So may tanong si Sweet Kites Bunny Like itong isang question pero halos paulit-ulit lang ito Ganito yung tanong ni Sweet Kites “Dok, please help naman” One month na raw sya inuubo Sa tindi raw ng ubo nya …masakit na raw yung leeg niya sa kakaubo …sakit na ng balikat, ang sakit na ng breast …masakit na ng likod kasi sa kakaubo Meron na raw low-back pain sa kakaubo, napapangiwi sya sa kakaubo Marami raw plema. Nagpa-check na raw sya sa doktor Kaya lang 5000 na raw nagagastos nya Wala pa rin daw epekto yung gamot Nagpa-xray na raw sya, normal So hindi na raw nya alam kung ano ang gagawin nya. Maraming may ganito, yung cough nang cough Dok Liza, bigyan mo muna ng konting tips sa ubo si Sweet Kites at sa mga kababayan natin At ishe-share ko lang itong Facebook Live natin sa page ko, sa page ni Dok Liza Ang request lang natin sa ating kababayan, i-share lang itong Facebook Live natin Para maabot po natin sa ating maraming kababayan at makatulong po tayo sa mga may problema sa baga Isa sa mga tips ay isipin mo muna kung ano ang ginawa niyo bago nangyari yung pag-ubo nyo? Maaaring naglinis kayo, nag-general cleaning kayo ng bahay ninyo, Hindi kayo nag-mask Alam nyo minsan ang paglilinis ng bahay na matagal nang di-nilinis, sobrang dumi Pag nasinghot niyo yung lahat ng alikabok, dumi Bago mawala yung ubo niyo, it takes a month kaya sinasabi ko nga magsuot tayo ng mask o yung face mask kapag tayo ay maglilinis ng bahay Tapos doon naman po sa mga may edad, o yung mga naka-maintenance (medicine) na hypertension o high blood medicine Tingnan nyo po ang inyong mga gamot Baka naman po ang inyong mga gamot mayroong (pangalang) ending in “-pril” So pag yung gamot nyo ay ending in “-pril,” May possibility na. Mayroong iba na nagkakaroon ng pag-ubo doon sa mga ganoong klaseng gamot Yun po ang mga kadalasang dahilan. Ito po yung example ng face mask na dapat pong isinusuot natin sa maalikabok na lugar Tapos po pagdating sa doktor, parang gaya niya, isang buwan na (inuubo) dapat po ang piliin nating doktor kung mayroon doon sa lugar ninyo …(Piliing doktor) ay yung Pulmonologist o yung lung doctor Kapag hindi pa rin matanggal (ang ubo), puwede rin tayong mag-consult …kahit once sa isang allergologist Makakatulong din po siya. Pulmonologist at allergologist Ito yung dalawang doktor na puwedeng puntahan. Ang iba po nating mga ubo tips ay uminom ng 8 hanggang 12 basong tubig kada araw Kasi po kailangan natin ng more fluids para mailabas natin at mas lumabnaw …yung mga madidikit na plema Makakatulong din po yung pag-inom ng salabat (ginger tea) Lalo na kung namaos kayo. Dahil (maganda) ang luyang taglay ng salabat Saka doon sa maiuulam natin, gawin na nating sabaw ng manok o yung tinola. Mayroon namang pag-aaral na nagsasabi na nakakatulong ang chicken soup. Salabat, sabaw ng manok Lalung-lalo na doon sa luyang taglay ng mga ito. Syempre po ititigil ang paninigarilyo. Kasi nagko-cause din yan (paninigarilyo) ng matagalang pag-ubo (Tawag dyan ay) Smoker’s cough. Puwede po tayong uminom ng vitamin C Isang tableta na 500mg once a day Puwedeng makatulong Sa bahay niyo, baka marami kayong pets o pets ng kapitbahay Iwas iwasan muna (lumapit) sa aso, pusa, manok Yan po madalas nakaka-allergy din yan Merong pong gamot para sa ubo Katulad ng mga Carbocistein Over-the -counter lang po itong mga gamot na sasabihin natin ..carbocisteine, ambroxol, Para po ito doon sa mga maple-plemang ubo Pag naman pong tuyong ubo, Puwede po yung mga butamirate citrate o yung dextromethorphan Yan po yung puwede nyong bilhin sa ating botika or drug store …sa Generics Pharmacy, sa Mercury Drug puwede po Itong mga gamot natin Dok Liza Nakakatulong din sya kaunti na pampaluwag ng plema Pero syempre nga, sabi ng iba, uminom lang ng maraming tubig nakakatulong din Pero kailangang alamin natin kung ano ang cause ng ubo. Baka mamaya ang cause ng ubo maaaring trangkaso ba? Flu ba? Common cold ba? pulmonya ba? Depende din sa cause (ng ubo). Pero kung normal ang xray, Baka naman bronchitis lang. Puwede naman itong mga gamot At isa pang mahalagang tip ay dapat magpahinga Pag mag-rerest kayo, talagang pahinga muna. Mga 1 araw o 2 araw …matutulungan yung katawan mo na lumaban (sa sakit) Baka nga kumpleto ka nga sa gamot, Puyat ka naman nang puyat, trabaho ka nang trabaho Hindi ka talaga gagaling. Kailangang help your body to heal at matulog nang mahaba. Magugulat na lang kayo, biglang gagaling yang ubo ninyo. Saka kung may sakit, dahan dahan lang din sa pag-exercise Huwag yung may sakit ka na nga, may sinat ka na nga sige pang mag-exercise Lalong mahihirapan yung katawan niyo. Next, isa pang maganda tip. May tamang pag-ubo. Hindi ko rin ito alam dati. Magugustuhan nyo ito. Paki-share itong video natin. For sharing maraming tayong maaabot. Ang maling pag-ubo ganito, Yung mali muna. May taong pag umubo Akala mo inuubo yung buong bituka niya Parang ganito… Delikado po yan. Hinga. Todo ubo. Alam nyo ba kung bakit delikado? Baka pumutok yung mga organs nyo sa tiyan, Baka yung baga pumutok. Kapag sobrang lakas yung ubo, Maba-back spasm kayo. Baka magka-back pain kayo sa tindi ng ubo. Ang secret po natin ay ganito po… I-dedemo ko Dok Liza. Pag umubo nang malakas, puwedeng ma-back spasm. Puwede kang ma-hernia, maluslos. Maluluslos kasi tataas ang pressure sa tiyan. Kaya pag uubo ako, lalapit ako kay Dok Liza, Dok Liza ubo muna ako, ha? (Ubo)..ganon ako, nakahawak. Puwede po (humawak) sa pader. Puwede sa pader, puwede kay misis. Pero huwag mo siyang ubuhan. Or puwede maganda (hawak) sa mesa Hawak po kayo sa silya. Para yung pressure nandoon konti sa gamit. Hindi sa likod ninyo. Ngayon kung wala kayong gamit, eto ang gagawin nyo. Meron akong secret ganito ang gagawin. Wala kayong gamit ha. O ikaw Dok Liza malapit ka sa mike. Pag ubo, hawak sa tuhod. Ganito, ubo ako. Tulad nito. Pero nakahawak ako, naka-bend. Ayan, nakaganito lang ako. (Uubo) So ganoon, nakatukod lagi. Hindi yung hindi ka nakatukod to prevent back pain. Katulad niya, masakit ang leeg. delikado Huwag yung sobrang lakas baka may pumutok sa katawan mo. At yang pag-ubo, Dok Liza, May technique din. Huwag yung isahang (ubo na malakas) Hindi rin daw maganda. Dapat medyo parang May ganoong technique nga na nabasa ko. Halfway lang (umubo) Half ubo parang (ubo) (ubo) igaganoon mo lang konti. Hinga malalim para lang lumabas yung plema. Konti konti lang paganoon. Para hindi todo yung pressure. At isa pa syempre, yung iba nagpapa-steam Yung nagpapa-steam may tulong din. At yung isang technique ay yung back clapping. Back clapping ganito. Hindi mo siya hahampasin. Pag hampas, away na yun. Hindi dapat hampas. Nakaganito yung kamay (cupped) Hindi flat ang kamay. Cupped. Binaback clap ko siya. Dami ka bang plema ngayon? Mga ganito lang kalakas. Puwede rin sa bata Para lumuwag yung plema Kung lumuwag yung plema, mas mailalabas siya Yan ang mga tips sa pag-ubo. Ngayon Dok Liza ipapakita ko ang mga pictures natin Iba’t ibang mga sakit at tips Ito ang ating baga. Itong sa baga, nandito yung mga posibleng sakit Flu Ganito ang nangyayari sa flu (mga sintomas) Sa flu, may lagnat ka, runny nose, sore throat saka headache Flu mga dapat 3 days 4 days gagaling na Ito maraming plema. Pag may flu (kailangan) pahinga lang, 3 to 4 days gagaling na dapat Anong gamutan? Tawag natin dyan Supportive Therapy lang. Wala namang talagang ibinibigay na gamot. Hindi mo kailangan ng antibiotic kung flu Pahinga lang at dapat gagaling na in 3 to 4 days Mayroon tayong Flu Vaccine Yung Flu Vaccine maganda yun Once a year. Lalo na kung 50 years old ka May tulong yan para hindi ka gaanong tamaan ng flu Puwede ka pa ring magka-flu Pero hindi na ganon (kalala) Ang flu gumagaling Next Emphysema Ang emphysema Ito yung sakit ng mga naninigarilyo. Pag smoker ka Ang sintomas (ng emphysema ay) may ubo, may wheezing, humuhuni hirap huminga, ito kadalasan (tinatamaan) smokers sila Tingnan ninyo. Sirang-sira ang baga nila. Ito yung normal na baga. Ito yung baga (ng may emphysema), nag-expand na. Lumobo na. Dahil dito, wala nang oxygen na pumapasok. Sira na ito (selyula). Parang patay na siya. Yung baga mo, parang gumagana na lang ng 50% Kasi yung iba sira na. Dahil dito, hindi makahinga. Ang gamutan sa emphysema syempre Number 1 is — stop smoking. Tapos, mayroon tayong mga inhaler for emphysema Pero yung inhaler medyo kaunting tulong lang (ibinibigay) Hindi sya talagang sobrang nakakatulong. Pero wala tayong choice. Stop smoking Kaunting exercise puwedeng puwede May mga inhaler tulad ng Symbicort. Yun ang mga ibinibigay May mga inhaler ibinibigay dito. Itanong sa inyong doktor Tuluy-tuloy ang paggamit ng mga inhaler Meron din tayong tinatawag na Chronic bronchitis Ito yung mga symptoms ng chronic bronchitis– Matagalang pag-ubo, maraming plema, medyo hihina ka na dahil lagi kang inuubo, lagi ring may plema dun sa lalamunan parang gusto mo laging tanggalin ang plema sa lalamunan Actually yung nagtanong sa atin baka may bronchitis. Ito naman pag bronchitis depende kung bacterial infection talagang plemang madilaw Binibigyan natin ng antibiotic 7 days to 10 days ang pag-inom ng antibiotic Plus, yung mga ibang tips natin tulad ng mga– pag-inom ng maraming tubig …salabat pahinga Iwas allergy yan. Yan ang gamutan sa chronic bronchitis Tapos yung mga chest clapping Saka yung ipinakita kong (technique) sa pag-ubo Puwede mong panoorin ang replay. Dahan yung pag-ubo. Para huwag mababalian ng likod Pag inuubo huwag yung labas-bituka (na ubo) Ito ang daming nagtatanong sa akin. Ang daming questions tungkol sa tuberculosis. Ayan TB. Ano ang sintomas ng TB? Sa TB kadalasan may lagnat sa hapon Walang ganang kumain namamayat, nanghihina Pero ito po (sintomas ng) pang-malalang TB Kung mild lang ang TB mo, no symptoms Pag mild, wala. Sa xray lang makikita. Kaya nga yung iba hindi makaka-abroad dahil nga dito. Tapos sa TB ang isang reason dito, baka meron kang kamag-anak Nanay, Tatay na may TB O kapatid at nahawaan ka. Saka yung mga bata, baka nahawaan din nila yung magulang. Eto yung TB Ang TB po sa Pilipinas ang daming may tuberculosis Almost 400 thousands ang tantya Parang ganoon yung number. Ang gamutan sa TB ay– mga 6 months to 9 months na gamutan. Tuluy-tuloy. Ang kakaiba sa TB hindi siya parang ubo-ubo Pag ubo-ubo ang gamutan, 1 week lang. Ang TB para mapatay natin ang bacteriang ito (kailangang) 6 months to 9 months na araw araw ang gamutan Pag ininom mo na ito kadalasan ay sa umaga, isahang iniinom ang lahat ng gamot na wala pang laman ang tiyan 6 months mag-iiba ang kulay ng ihi mo. magiging orange Pag umiinom ka ng TB meds Babantayan ka ng doktor, ipapa-check yung liver mo para siguradong okay yung liver mo Pero wala kasi tayong choice pag may TB o kung may peklat na sa baga Saan may mga libreng gamutan sa TB, Dok Liza? Sa mga health center Pumunta lang po kayo sa pinakamalapit na health center sa lugar ninyo puwede rin po sa Lung Center of the Philippines At saka sa ilang malalaking mga ospital Meron pong libreng gamutan ng TB Yun nga lang po, babalik kayo para ibibigay sa inyo ang supply ng gamot ng TB. Ang tip ko sa ating kababayan Maraming matitigas ang ulo. Sorry ha, FB Live tayo. Sa mga may tuberculosis dyan Sa mga tatay na may TB na ayaw magpagamot kilala ko kayo kasi unang una sa Pilipinas 33% ng may TB ayaw magpagamot Ayaw lang daw nila. Hindi nila type. Pero bawat taon, yung ayaw magpagamot ng TB nakakahawa sila ng 10 tao Pag isang tao ang may TB at hindi sya nagpapagamot nakakahawa sya ng 10 tao every year Sinong nahahawa niya? Asawa nya, yung anak niya nahawaan niya ng TB yung baby niya So, ang tigas ng ulo ni tatay kadalasan si tatay yan May TB ayaw magpagamot Matigas ang ulo. Sabi pa niya, “Mas malakas pa ako kaysa sa TB.” “Wala akong pakialam diyan.” Pero nakakahawa siya. Nakakapinsala. Yung mga bata Papaanong malalaman na may TB ang (isang) bata? Inuubo, may kulani ang bata sa xray, (makikitang) may lymph nodes yung bata Nahawaan siya nung tatay Libre naman yung gamutan Kaya yung mga tatay, dapat gamutin. Sa ibang bansa, Dok Liza, ang mga may TB na ayaw magpagamot Yung ayaw magpagamot, ikinukulong Ikinukulong sila kung ayaw magpagamot (ng TB) Public health threat kasi sila. Hinahawaan mo yung ibang tao. Sa atin (sa Pilipinas), libre naman ang gamutan sa government Kung hirap kayong pumila meron namang gamutan sa TB na puwede nyo namang bilhin kapag nai-reseta na ng doktor. Maraming brands. Katulad ng Myrin P Ang anti-TB meds ay combination na merong INH, ethambutol, PZA, rifampicin Mayroon namang sama-sama na (combination) Ang natatandaan ko: (brand ) Myrin-P, Myrin P forte At depende sa timbang mo Pag mabigat ka, 5 tablets a day Kung medyo payat ka, 4 tablets a day Kung 100 pounds ka, 3 tablets a day Every day (iinumin) yan Two months iba yung gamutan Medyo matapang ang gamutan sa first 2 months 3rd month to 6th month medyo mas mababa na yung dose Magpagaling kayo. Mga ayaw magpagamot Kulitin nyo si tatay na magpagamot si nanay o yung kapatid para hindi makahawa pa. May libreng gamutan naman. Pag hindi kayo nagpagamot makakahawa kayo ng sampung tao every year. 33% (ng taong may TB) ayaw uminom ng gamot 33% na may TB, umiinom ng gamot pero paminsan-minsan lang. Useless. Bawal na bawal ang uminom ng anti-TB meds na 2 weeks lang. Alam mo ba kung bakit? Lalakas yung TB. Pag lumakas yung TB Hindi na TB ang tawag dyan Magiging MDR. MDR, malas ka Malas ang MDR, multi-drug resistant Multi-drug resistant, ibig sabihin Nawalan ng bisa yung gamot kasi uminom ka ng konti, hindi mo sya pinatay Kung baga sa boksing, kung natutumba na ni Manny Pacquiao yung kalaban Kailangang i-knock down na niya. Kasi pag hindi niya nai-knock down yung TB Lalakas yung kalaban siya ang mana-knock down Yan yung concept Dapat 6 months ang gamutan Patay yung TB Kumpletong tanggal sa baga mo. Kapag kiniliti mo lang ng 2 weeks, lalong lalakas yung TB Pag ininom mo itong mga gamot sa TB wala nang epekto dahil pinalakas mo sya Meron tayong MDR-TB, multi-drug resistant TB at may XDR-TB pa ngayon, (Extreme drug resistant TB) talagang nakakatakot Mahirap nang gamutin. Extremely Drug resistant Yan ang problema natin sa TB Yung mga may TB Kailangang magpagamot Huwag manghawa Kayang kayang gamutin. Huwag matatakot. Kailangang bumalik sa doktor. Siguro mga every month ang check-up. Eto may nagtatanong. Lung Cancer. Hindi maganda ang hitsura ng lung cancer. Si senator Miriam (Defensor-Santiago) may lung cancer. Mayroon po kasing lung cancer ng smoker At mayroon ding lung cancer ng non-smoker So meron ding lung cancer sa mga hindi naninigarilyo Sintomas ng lung cancer: namamayat, more than 10 pounds namamaga yung kulani sa leeg, madalas ay nagkaka-ubo, may plema hirap huminga Pag-ubo baka may dugo walang ganang kumain napapagod So magpapa-xray. Makikita sa xray kung may bukol o wala. Ang gamutan po talaga sa cancer ito po Kahit anong kanser ang gamutan talaga– Tatanggalin (ang kanser) Aalisin. Kung may kanser sa suso, tanggalin yung parte sa parte sa suso Kung lumaki (yung kanser) tanggalin ang buong suso. Pag sa baga pag nasa tabi tabi lang ng baga (ang kanser o bukol) ooperahan, tatanggalin May kanser sa bituka tatanggalin yung parte ng bituka, ganoon ang gagawin. So ito. pag meron na talagang kanser, talagang (kailangan ng) operation Mayroon chemotherapy, merong radiotherapy Yun talaga ang gamutan natin Ang hirap syang gamutin. May nagtatanong, Dok Liza. May herbal ba? Short cut na lang. Supplement na lang? Ang sagot ay talagang puwede niyong inumin. Pero sa akin, hindi siya effective Ayaw ko kasing aasa kayo sa herbal o supplement Siguro kung healthy kayo at gusto nyo lang magpalakas (okay uminom ng herbal o supplements) Pero kung kanser ang kalaban, tapos gagamutin nyo lang ng pag-inom inom ng mga juice na healthy na ipinakikita ko Hindi na kakayanin niyan. Yung ipinakikita namin ni Dok Liza na healthy yung mga vitamin C-rich food mga juices Yung ibang ipinakita mo yung broccoli kalamansi, dalandan, okay mga yun kung wala pa kayong sakit Pag nagka-kanser ka na at nagising na yung kanser, ibang gamutan na yan Ibang usapan na yan. Ito kailangang (magpatingin sa doktor na) oncologist May other tips ka ba Dok Liza, sa lung cancer? Ito naman ang idi-discuss ko mamaya. Gustung-gusto nyo ito –Hika Ang daming nagtatanong Unahin muna natin yung mga symptoms. Sa hika, may huni. May humuhuni Parang may pusa sa baga mo “Hu…” ganoon “Hu…” gumaganon. May huni, inuubo sa gabi, Pag nalamigan, inuubo Kung nag-exercise, na-stress, inuubo hirap huminga Nag-uumpisa yan sa sipon impeksyon, may sinus tapos, aatake na ang hika Ang gamutan sa hika mamaya medyo mahaba lang ang discussion dito Mamaya meron pa akong additional board. Yung last na pag-uusapan natin mamaya ay yung pneumonia Ano naman itong pulmonya? Ipapakita natin mamaya May questions ba sila? May comments? Si Joyce daw malakas manigarilyo. Joyce, kung kaya mong ihinto para hindi tayo mahirapan in the future Yes, yun lang ang request ko sa inyo. No, dalawa pala ang request ko. 1, paki-share itong video natin para maka-reach tayo ng maraming maraming mga tao. Gusto kong ma-reach ang mga matitigas ang ulo. Yung mga matigas na ulo na smokers. 2nd na goal natin, matigil niyo ang pag-smoke niyo. Smoking ang may kasalanan sa lung cancer, emphysema, Kahit itong mga ubo-ubo, smoker’s cough Mga nagtatanong baka naninigarilyo kayo. Kahit hindi kayo naninigarilyo yung passive smoking Si mister naninigarilyo, yung co-workers. Punta kayo sa nightclub, maraming naninigarilyo. Nandoon kayo sa enclosed space. Nasa media, nasa TV, nasa radio, maraming smokers Mga kasamahan ko sa media Yung talaga ang masama Pag naninigarilyo, minus 6 yrs ang buhay niyo. Sayang yung 6 years. So, stop smoking. Sa susunod na FB Live marami akong tips on how to stop smoking. Ito ang gusto ninyo. Pneumonia, pulmonya Bakit (sinasabing) deadly ang pneumonia? Alam nyo, Dok Liza, kung ano ang tawag nila sa pneumonia? Oops, nahatsing si Dok Liza, may allergy siya. Ang pneumonia, sabi nila Ito ang last disease of the elderly bago mamatay. Bago namamatay ang may edad, ito yung huling sakit na magdadala sa ending ng buhay ng tao Kahit anong mga sakit niya puwedeng heart disease o stroke Ang pinaka-ending ay itong pulmonya Kapag na-pulmonya, doon na na-eending. So, ang mahalaga ay huwag tayong matamaan nitong sakit na ito Deadly sya (ang pneumonia). Sa bata deadly sya, broncho-pneumonia Sa matatanda, deadly din sya. Tingnan nating ang baga natin. Napakaganda ng baga. Right lung ang gaganda. Maganda pag non-smoker. Ang pula pula Left lung ang ganda. Ito ang kanang bronchus. Daanan ito Kailangan maganda ang daanan natin. Ito yung left (bronchus) Ito naman ang mga bronchioles natin. Maliliit sila. Ito naman ang (itsura ng) may pulmonya at walang pulmonya. Ito, nakikita nyo, normal. Ito, nakikita niyo, namumula (dahil) may inflammation ng walls ng air sac, kaya namumula May parang nana (abscess) Ito ang close-up, yung nana lumalabas Kapag may nana, puwedeng viral inflammation puwedeng bacterial inflammation. Kaya nag-nanana. Yan ang nangyayari sa pulmonya Ang ginagawa ng mga doktor, ipapa-xray kayo para makita Tapos papakinggan ang baga nyo gamit ang stethoscope. Tumutunog ba ito? Dapat ang breath sounds maganda. Kapag may tunog na “crack-crack” na parang buhok na tumutunog ibig sabihin ay nagkra-crack itong lungs mo May pulmonya sya. Ipapakita naman natin ang gamutan and prevention. Gusto nyo bang prevention muna bago yung gamutan? Ang prevention natin sa pneumonia is Dapat magpapa-pneumonia vaccine. Anti-pneumonia vaccine. Yung mga may cocci( round bacteria) yan Sino ang mga (dapat) magpapa-vaccine? Mga taong above 50 yrs old mga above 60 yrs old, Yung mga taong may sakit sa puso kahit bata pa, Mga may lung disease, may liver disease, may kidney disease …magpapa-pneumonia vaccine kahit bata Yung mga nagda-dialyse, yun may diabetes yung mga may HIV-AIDS, yan ang madalas tumama sa mga may HIV-AIDS, pneumonia. Kasi nga mahina yung baga nila. Ito yung iniingatan natin. Sinu-sino ang mga may risk factor na magka-pneumonia? Puwedeng kanan (baga) o kaliwa ang tatamaan. Yung may kanser, madalas magka-pneumonia Yung naka-steroids, mahina ang katawan yung alcoholic …diabetic, may edad mga bata, sanggol laging tinatamaan ng pneumonia mga may sakit sa baga, (dahil) hirap huminga yung mga laging nakahiga Dok Liza, kung nakahiga hindi maganda. Yung mga tamad, laging nakahiga. Hindi kasi nag-eexpand Mamaya tuturuan ko kayo ng magandang breathing exercises. Yung mga nagtatrabaho sa ospital, o yung mga nagbabantay ng may sakit sa baga, Ingat kayo, may matitinding lung problem. Ang mga symptoms ng pulmonya ay lagnat, high fever, ubo, maraming plema, hirap huminga Merong typical at atypical (symptoms) Ito yung hindi ko naipakita last time. Ipapakita ko sa inyo. Kaya nga gagawa ako ng FB Live para masagot ang mga tanong ninyo. Ito ay isang pneumonia, Itong mga xray. Lobar pneumonia ito. Actually ito yung test sa akin noong nag-aaral ako sa medical school. Lobar pneumonia. Isang lobe Isang buong lobe. Yung baga kasi merong mga lobes (divisions) yan. May mga hati-hati. Isang lobe nagka-pneumonia. Ito yung xray ng isang may lobar pneumonia. Ayan, namuti. Itong dapat yung baga mo (kulay itim). Ito nawala yung baga mo, namuti. Lobar pneumonia yan. Ano ang cause ng lobar pneumonia? Kadalasan, Ipakita mo nga Dok Liza. Kadalasan, ang cause ng lobar pneumonia ay bacterial infection. Ito yung lobar pneumonia. Bacterial infection yan. Yung pneumo-cocci Mataas ang lagnat. Ang gamutan dito ay talagang antibiotic Pero pag ako (ang masusunod), i-admit na (ang maysakit) sa ospital. Pag ang pneumonia mo ay ganito katindi. Sa mga nakikinig/ nanonood ngayon. Huwag nang subuk-subukan mag-tableta, mag-amoxicillin Baka hindi na po kakayanin. Bawal uminom ng antibiotic on your own Kailangan dito ay matinding antibiotic At kadalasan, hindi na ito makukuha ng tableta Kaya ang gagawin ng doktor, ipapasok kayo sa ospital mga 3 araw, isasaksak sa kamay ang antibiotic. Malakas, matapang ang antibiotic sa suwero diretso sa dugo mo Papasok yung antibiotic sa suwero mo, patay itong lahat Gagaling na kayo nang mabilis. Pag ganito ka, lobar pneumonia, Sintomas ay: mataas ang lagnat, hirap huminga, nanghihina, Ibig sabihin, tinamaan kayo, nahawaan kayo ng pneumonia Sino ang nanghawa sa inyo? Baka mahina ang (resistensya) ng katawan ninyo. Lobar pneumonia. Talagang (kailangan) i-ospital yan. Kung kailangan ay mangutang tayo. Next ito naman ang tawag natin dito, atypical or interstitial pneumonia Tingnan niyo, may pulmonya sya pero nasa gitna Ito yun. Nasa gitna yung pneumonia niya. Interstitial pneumonia Kadalasan dito, hindi ito bacteria, (kundi) virus ito. Parang naghihimulmol. Tingnan mo ang xray niya. Hindi ito normal. Ang normal xray, dapat maitim lang (itsura ng baga) Tinuturuan ko na kayo tumingin ng xray ninyo. Yung mga xray plate nyo huwag iiwan, hihingin niyo sa radiologist Ito maraming pulmonya. Ito may lagnat (din) not so high, hirap ding huminga at kadalasan (ang sanhi ay) viruses Ang gamutan dito ay supportive therapy lang Supportive, ibig sabihin para sa lagnat, para sa plema, para sa paghinga at pagluwag ng plema Antibiotics, minsan hindi na ito binibigyan kasi virus siya Virus yan so doktor lang magsasabi. So ito yung interstitial pneumonia or atypical pneumonia. The third one ipapakita ko sa inyo Ito gustung-gusto niyo ito. Naku, sa mga bata… Ito na-broncho si baby. Tingnan mo ito, patse-patse May bronchi, tinamaan saka may pneumonia, doble Ito ang broncho-pneumonia Tingnan mo itong xray, Dok Liza ang ganda. Maganda ang xray. Kitang-kita Yan yung mga tinitingnan ng doktor. Tinuturuan ko kayo. Maganda naman ang maalam. Ang pasyenteng maalam, marunong sa health, mahaba ang buhay Ito ang may broncho-pneumonia. Itong kabila na ito normal. Ito may patse-patse parang may bulak Inflammation of the lung along the sides, sa tabi ng bronchi (tube). Tawag dyan broncho-pneumonia Maraming makikitang confluent, patchy siya, shadow. Kitang-kita Bronchopneumonia yan Matindi ang pneumonia. Ang gamutan ay antibiotics na reseta ng doktor Hindi lang reseta ng doktor ito. Dapat talaga tama yung pag-inom ninyo. Tama yung pag-inom (ng gamot) na makakapatay
doon sa bacteria Kadalasan, pag ganito katindi (ang pneumonia), i-ospital na. Sa ospital, mas safe, mas matapang (ang gamot), Puwedeng gamitan ng mga health card natin para doon. Lahat ng gamutan, ipinakita, itinuro ko. Alam niyo na. Kapag ganyan na katindi ng xray, wala nang excuse excuse. uutang na tayo Baka makalibre tayo, may tulong din ang PhilHealth Salamat sa lahat ng nag-share, sa lahat na nag-like Pinipilit kong masagot ang tanong ninyo Para hindi masayang ang load. Ito naman. Hika Mahirap itong gamutin, ang hika. Hika kasi nakakainis yang sakit na yan. kasi Alam niyo, nakakamatay ang hika. Like yun, may mga singers, bata pa hinika, namatay. Yung hika, deadly siya. Umaatakeng ganyan Hindi ko siya type na sakit. Buti pa yung high blood, minsan dahan dahan. Ito (ang hika), nananahimik ka, biglang umatake, hindi ka na makahinga. Kaya kahit bata ang edad puwedeng mamatay sa asthma. Asthma attack. Tingnan natin kung ano ang nangyayari sa hika. Dahil nag-aallergy siya, kumakapal ang muscles sa baga Ayan, yung muscle mo sa brochi (tube) Pati na yung sa loob, dumadami nang dumadami yung pamamaga Swollen o maga. Makapal na ito. Tingnan mo naman ang plema niya. Ang daming plema. Ang lapot (ng plema) ayaw lumabas. Ang daanan ng paghinga mo, maliit na lang. So para kang nagwi-whistle. Imbes na maganda ang daanan mo (ng hangin) Napuno na ito ng plema dahil hinika Eto ang itsura ng healthy itong nasa ibaba. Ito ang healthy. Manipis, maluwag Ito ang unhealthy, itong nasa itaas Pero huwag mag-alala, gagawa tayo ng paraan para sa hika. Dapat matindi ang pag-aalaga niyo Eto paano aalagaan. Sa hika kadalasan ay allergy yan. Nakalanghap ka ng nakaka-allergy (triggers) Na-inhale niya. Nagwala itong mga cells mo. Ang mga cells mo ay nag-react Pag may hika, iiwas tayo sa mga nakaka-allergy sa atin para hindi tayo atakihin. Iiwas sa mga bagay na tulad ng pusa, Maganda ang pagkuha ng allergy test kung may hika. Depende kung saan kayo may allergy. MInsan sa gatas (dairy products) minsan food (nuts, strawberry, sea food) , minsan sa gamot minsan (may allergy sa) dust mites dito sa mga beddings Tatandaan nyo po. Aatake ang hika kapag sinipon, o inuubo Kaya iwas po kayo sa mga taong may sipon at ubo. Lalayo po kayo ng 4 feet. Dahil, oras na magka-sipon kayo o magka-ubo kayo, asahan niyong aabot sa atake (sa hika) yon. Ang secret ay huwag kayong magpahawa. Sa mga baby huwag gaanong hahalik-halikan Lalo na kapag may sipon si baby. Ito rin. Kapag malamig o nalamigan Pag malamig, inaatake rin. Triggers. Ano ano ang mga maaaring triggers? Itong mga stuffed toys, beddings, carpets, rugs, some plants, etc Ngayon ibibigay naman natin yung gamutan para sa hika. Ikaw naman, Dok Liza. Magkano ang allergy tests at saan ba mayroon noon? Dok Liza: Sa mga doktor na allergologist, Nagre-range (ang allergy test) sa 6000 up to 10 thousand pesos Depende po kung saang hospital sila. Mahal. Sobrang mahal. Like yung anak ko Dati yung anak ko nagpa-pantal pantal, may allergy Ang gagawin namin Bawal (pakainin ng) itlog, bawal sa crabs, ang daming ibinawal Kawawa naman yung bata, wala nang makain Kaya ipina-allergy test namin. Maganda yon. Ite-test dito (sa braso) Yung mga nagbibigay ng allergy (mga triggers) Ite-test yan. Lalagyan yan ng konti mga galing sa ipis, galing sa langaw, galing sa kung anu-anong hayop galing sa halaman, Ite-test niya. Kapag namaga yung part, malalaman kung saan ka na-aallergy. Sa anak ko, okay naman siya sa eggs. Nag-allergy siya sa cat pusa, dust mite, saan pa ba siya allergic, Dok LIza? Sa dust mite lang at saka sa pusa talagang malakas. Sa dust mite niya, na-allergy siya ang laki laki (ng pantal) Ang mga dust mites karaniwang nasa sa mga beddings. Paano ba Dok Liza ang magandang tip diyan? Dapat po once every 2 weeks naglalaba ng mga punda at saka yung mga kumot Meron na pong nabibili ngayon sa ShoeMart ng anti-dust mites ito yung pang-doble sa inyong unan. Pag talagang matindi pa rin ang allergy binabalutan na ng plastic ang unan bago lagyan ng punda Ang isang secret pa para sa mga na-aallergy din Isasabay ko na ang asthma at allergy. Puwede niyong ibilad sa araw (unan, kutson, kumot) Alam niyo bang itong dust mite Ito yung itsura ng dust mite. Ito ay mga hayop na maliliit. Hindi mo yan nakikita. Pero nakaka-allergy yan. Salbahe yan, kilalanin nyo yan. Nasaan yung mga dust mite? Naririto yan. Alam niyo ba kung bakit nagkaka-dust mite? Makinig kayo, this is very nice. Hindi ko rin ito alam dati kaya inaral ko. Para mas maraming matutulungan Ang katawan natin ay may balat Yung balat nagpapalit yan Nagpapalit ang balat natin, hindi mo namamalayan Every day natatanggal yan Yung pinakaibabaw ng balat, natatanggal, nahuhulog. Yun yung mga dead skin cells. Talagang mahuhulog yan, malalagas. Yung mga maliliit na nalalagas (dead skin cells) napupunta sa beddings natin. Itong mga nalagas na dead skin cells sa beddings, iyan ang kinakain ng dust mites. Iyan ang pagkain nitong mga hayop na dust mites. Kaya siya nabubuhay, nanggagaling sa atin yung mga foods niya. Hindi naman yan nakatira sa ating balat. Ang mga dead skin cells natin na nahulog Lahat tayo niyan, ganyan nagpapalit ng balat para maging makinis. At dahil nandito yan kakainin ng dust mite At yung dust mites malanghap mo, doon ka na ma-aallergy. Kaya dapat na maglinis nang maglinis Hindi porke na hindi mo nakikita ay safe ka na. Dok Liza: Sa probinsiya, ibinibilad ang unan at kumot sa bintana. Sa araw (ibinibilad) Araw ang pampatay natin (sa dust mites) Sa hika, ganito ang gamutan– Ang daming nagco-comment, ang gamot daw nila sa hika ay Ventolin. Brand name ng salbutamol. Lagi, ang alam ko sa inyo, puro salbutamol tablet, Ventolin tablet pareho din yun Ventolin inhaler. Ito ang very important na sasabihin ko sa inyo– Ang salbutamol at Ventolin Hindi siya gamot. Gamot siya pero hindi siya gamot na pampagaling ng hika. Hindi siya (salbutamol at Ventolin) nakakagaling sa hika or emphysema. Ang trabaho lang nitong salbutamol, ibuga ang baga natin Pampaginhawa lang sandali. Para lang siyang pain-reliever. Kailangan mo yung salbutamol kung may atake para makaka-open (ng airways) Pero in-open lang yung baga, yung pamamaga nandoon pa rin So sa mga tao, libo libong mga Pilipino na may hika, Puro salbutamol “Dok, salbutamol na ako every day, ba’t di ako gumagaling?” Hindi ka gagaling diyan kasi hindi siya panggaling. Pangginhawa lang siya. Trabaho ng salbutamol, ibuka lang that’s it. Puwede ang salbutamol, ganito, turuan ko na kayo Kasi medyo complicated. Kung ang hika mo, inaatake ka once a week, or once a month bihira lang Sige, salbutamol, pang-relieve lang Pero kung yung atake mo sa hika ..ay 3 times a week, Sa gabi hindi ka na makatulog, hindi na yan ang gamot mali na Kaya babalik ka sa doktor at bibigyan ka ng steroid inhaler. Hindi naman masama ang steroid. Hindi naman ito iinumin, ii-inhale mo lang ito. kaya mas mababa ang side effect. Ano ang mga steroid inhaler? Panay mga branded lang kasi. One day magge-guest tayo ng isang pulmonologist. Ang alam ko, yung mga Seretide, kaya lang mahal yun. Yung mga Budecort yung mga steroid inhaler, kung anuman yun May mga murang brand sa generic Kailangang may steroid inhaler Ang maganda sa steroid inhaler sa mga may hika, Maco-control niya yung hika. Yung pamamaga ay mako-kontrol niya Aralin niyo rin ang tamang pag-inhale Ang alam ko kasi, naghuhugas pa ng bibig nagga-gargle para mabawasan yung side effect Safe yan sa may hika kapag three times a week ang atake, hirap na hirap na kayo Sa emergency room baka atakihin baka mamatay pa Steroid inhaler i-maintain mo na kung madalas nang atakihin. Ang steroid ay pamparelaks ng bronchi at para hindi na lumala. Okay, yan ang tip ko. Huwag aasa sa salbutamol lang Huwag ding aasa sa mga inhaler lang Hindi rin maganda. Sa mga mahihirap kadalasan ay ito ang gawain— Iinom na lang sila ng prednisone (steroid tablet) Hindi siya maganda. (Although) makakakontrol siya sa hika sandali Pero may side effect naman yun (dahil) tablet siya Kasi mura lang yung tablet Ang side effect – mamamaga magkaka-endocrine problem, lalaki yung likod magiging abnormal din. Hindi puwede. Yung steroid tablet, one week lang or less Mas safe yung steroid inhaler Ini-inhale mo yung steroid, hindi ito gaanong napupunta sa dugo, safe ito. Yan ang ginawa natin para sa inyo. So, asthma, TB, gamutan Lahat ng gusto ninyo Last na lang na ibibigay ko Tamang pag-ubo at paglabas ng plema Ito na yung last tip ko para sa inyo Ayan, salamat sa mga nanonood Kita niyo ang mga pinaggagawa namin Nag-mirror. O gusto niyong mag-mirror? Doon po sa mga may emphysema ang maintenance po nila laging salbutamol tapos bibigyan sila ng acetylcisteine para lumabnaw yung plema Emphysema kasi, ito talaga meron silang inhaler Lagi silang maplema. Meron silang inhaler pero ang problema sa emphysema Huwag na lang kayo manigarilyo. kasi ang emphysema hindi ito gumagaling Sorry to say. Hindi ito gumagaling Si Dolphy (actor) may emphysema, hindi gumagaling. Pag may sira na, sira na. Gusto ko kayong bigyan ng pag-asa pero alam ko namang marami milyon milyon (tao) ang hindi pa naman naninigarilyo hindi pa naman sila (may) emphysema Kaya sinasabi ko yung tunay hindi ko po kayo tinatakot This is true. Pag emphysema, hindi gumagaling. Lagi ka na lang naka-oxygen Kahit saan ka pumunta naka-oxygen ka Ayaw natin ng ganon. Huwag nang manigarilyo, huwag sirain yung baga Kasi pag nasira yung baga, yung butas butas tapos na ang usapan natin Ito yung final tip na maganda rin. Pag inuubo kayo, dapat gumamit na ng tisyu or panyo para hindi makahawa huwag uubo sa kamay yan ang bawal Pag umubo sa kamay nandito lahat ng plema hawakan mo siya, nasa kanya na. Lahat ng bacteria, virus, germs Bawal sa kamay (umubo). Kapag may taong inuubo Gaano kalayo ang idi-distansiya mo? Dapat 4 feet away. 4 feet away ang layo. Huwag nyo pong ubuhan ang mga kakilala ninyo saka kasama sa bahay Kasi po mahahawa talaga sila. Kawawa naman Okay lang kung ang ubo mo, flu. Paano kung yung ubo mo tuberculosis? Iwas po kayo sa pagubo sa lugar na maraming tao. Ito ang napakamagandang tip. Pag umubo kayo, papaano uubo? Huwag kayo uubo, pataas. Uubo ako. Yung mali. Ehem Pag umubo ka ng pataas Ini-spray mo yung buong kuwarto ng bacteria mo Pag uubo ka, sa lupa, Umubo ka sa lupa (ubo). Para yung bacteria mo nasa sahig Huwag kang umubo sa itaas at i-spray ang buong kuwarto. Kasi lumilipad yan. May mga pictures sa internet kung paanong mag-spread yung sneeze ang bilis ng speed niya parang 100 miles per hour Isa pang nakakahawa sa pag-ubo minsan yung mga bata Mga bata kasi, di ba Dok Liza, hindi nila alam Wala pa silang cough hygiene Kaya uubo yung mga bata Kadalasan sa harap mo mismo Doon sila uubo Kaya pag-ubo nila sa harap, tuturuan natin sila Kasi yung mga bata ang madalas na nakahawa sa mga senior, sa kapwa bata rin Kasi nauubusan nila sa mukha. At kung meron na kayong pulmonya, matindi na Please, huwag na lang pumasok sa school, Kailangan niyong umabsent a few days Huwag na ring pumasok sa trabaho kasi Kasi mahahawaan mo lang lahat (ng tao) Kung gusto mong pumasok, puwede kang mag-mask Yung mga batang may pulmonya, o may ubo Ilayo po muna natin sila sa mga lolo’t lola Kasi nga pag naubuhan sa mukha, Kawawa po. Mahirap pong gamutin ang pulmonya sa mga may edad. Tapos yung mga pahalik-halik sa baby (dapat ding iwasan) Kung may sakit ka na sa baga, iingatan mo din (huwag hawaan ang beybi) At pag-ubo maghugas po palagi ng kamay. gumamit ng sabon at tubig. Tapos yung inubuhang tisyu itapon din nang maayos sa basurahan Huwag din po tayong dudura sa mga tabi tabi. Next week ituturo ko ang tamang paghugas at pag uubo puwede rin yung ganyan Next week ko na ibibigay yung mga other tips Sana nakatulong kami dito Meron kaya akong nalimutan? Naturuan ko na kayo ng cough tip, tuberculosis, yung mga kailangang inumin, Itinuro ko na rin ang inhaler Alam kong mahal ang inhaler Pero yung inhaler ang maganda, yung may steroid inhaler Sabi nila may mga 500 pesos daw yun. Sa mga generic drugstore. Pero gagamitin mo naman yun ng isang buwan, 2 buwan Magtanong po kayo doon. Mas nakakatulong yan. At yung salbutamol nga hindi siya panggamot, pang-reliever lang siya Pero yung pangkontrol ng hika, kailangang yung may steroid Ito importante po ang face mask Puwede po kayong kumuha ng panyo ganitong korte, lagyan niyo ng dalawang garter sa gilid Tahiin niyo na lang po para puwedeng nilalabhan at nang makatipid Sana lagi tayong may ganito sa bahay para pag biglang maglilinis, handy, andiyan lang po O kung mayroong may sakit, gagamitin ito. Maraming nagtatanong, anong pagkain? Basta pagkain, healthy food. Sa supplement wala akong gaano Okay na yung vitamins Kasi katulad ng bacteria na or hika na Kailangan mo na talaga ng gamot na pang-kontrol Yun talaga ang mas safe. Sana nakatulong itong extra FB Live natin ( Binabasa ang mga FB comments…) Thank you very much. (Binabanggit ang mga tagasubaybay sa FB Live) Salamat sa pag-share itong video natin Pag ini-share nyo marami makakanood Panoorin yung mga replay. Andito yung mga gamutan para sa inyo Tandaan ninyo, check-up sa doktor kahit isang beses lang para alam nyo yung tamang gamutan After that, puwede nyo nang sundin itong mga tips natin God Bless po. Goodbye po. See you sa regular schedule natin. Itong FB Live para sa inyo. God bless po.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *